Thursday, January 6, 2011

The Legendary Artist and musician in the Phillipines

Freddie Aguilar is one of  the legendary artist and musician in the Philippines because of the songs that he compost, He is best known for his rendition of "Bayan Ko", which became the anthem for the opposition to the Marcos regime during the 1986 People Power Revolution

Anak

Noong isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw.
At ang nanay at tatay mo,
‘di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama’y kalong
Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.
Ngayon nga’y malaki ka na,
Nais mo’y maging malaya.
‘di man sila payag,
Walang magagawa.
Ikaw nga’y biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila’y,
Sinuway mo.
Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa’y para sa iyo.
Pagka’t ang nais mo masunod ang layaw mo,
‘di mo sila pinapansin.
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulon
Sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha.
At ang tanong,
“anak, ba’t ka nagkaganyan?”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha
Ng ‘di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo,
Nalaman mong ika’y nagkamali.

Bayan ko

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag


At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa


CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya